Ito ang mga pang-aabuso o ipinagbabawal na maaaring parusahan sa ilalim ng RA 9262 o Anti-VAWC Act, ito man ay aktwal na ginawa o banta lang:
- Physical violence: pananampal, panununtok, panggugulpi, paninipa
- Sexual violence: rape, pambababastos, panghahalay, pamimilit na manood ng x-rated na pelikula, pambubugaw ng asawa o anak
- Psychological violence: pananakot, pinapahiya, madalas na pagmumura, paninigaw at iba pang mapang-abusong pananalita, paninira ng gamit, pangangaliwa, panunutok ng baril, pagkukulong sa bahay, pagbabanta o aktwal na pagkakait sa babae ng kanyang anak o pagbabanta na sasaktan ang anak o magulang.
- Financial abuse: hindi pagbibigay ng suporta o sinsadyang kulang ang binibigay na suporta, pagpigil sa paghahanap-buhay ng babae o pagkontrol ng kita ng babae, paninira ng gamit o mga ariarian.
Dapat din nating malaman na ang VAWC ay isang "public crime" kaya hindi lng ang biktima ang pwede na magsampa ng kaso--pwede ang social worker, pulis, barangay kagawad, abogado, kamag-anak, kaibigan, kapit-bahay o sino mang may kaalaman sa krimen (concerned citizen). to be continued. . . .
No comments:
Post a Comment